punongkahoy (Bauhinia variegata) na 10 m ang taas, may mga bulaklak sa maikling tangkay, at malapad ang mga talulot na nagkakasuson at lila o putî ang kulay, katutubò sa Tsina at India at ginagamit na halámang ornamental sa Filipinas
tsart na nagpapakíta ng ugnayan at linya ng angkan o lahi
fire drill (fayr dril)
:
pagsasánay ng mga gagawin kung may sunog
fire fern (fayr fern)
:
maliit na palumpong (Oxalis hedysaroides), kulay morado ang dahon, may mahabàng tangkay, at may bulaklak na dilaw, katutubò sa Venezuela, Columbia, at Ecuador, at ipinasok ang cultivar noong dekada 50 sa Filipinas
fire power (fayr pá•wer)
1:
mapaminsalang lakas ng baril at iba pa
2:
kakayahang pinansiyal, intelektuwal, o emosyonal
necklace tree (nék•leys tri)
:
punongkahoy (Ormocia cala-vensis) na may makatad at eliptikong dahon, may bulaklak na kulay lila, at bungang sapád at eliptiko
bodhi tree (bód•hi tri)
:
bo tree
bo tree (bo tri)
:
malaking punongkahoy na kauri ng balete, katutubò sa India at ipinasok sa Filipinas noong unang panahon, tinatawag ding bodhi tree dahil sa istorya na Budha
tree house (trí haws)
:
estruktura o kúbo na nása punong-kahoy, karaniwang ginagamit sa larong bahay-bahayan ng mga batà.